BEATING HEART

BEATING HEART
"Many a beating heart is silenced by the tyranny of indifference." ~Michael Faudet

THE PUREST PLACE

THE PUREST PLACE
"Retrace your steps and go back to the purest place in your heart… where your hope lives. You’ll find your way again.” ~Everwood (Trust Your Journey)

The Bible says

"a man's life consisteth not in the abundance of things which he possesseth."

24 December 2021

PASASALAMAT

Galing kay Romeo 'Jhake' Morales Jr




mahirap ay dumadali kung may kasama
mabigat ay gumagaan sa pasaning may katuwang ka
 pasasalamat ko sa inyo'y walang dulo't hangganan 
nakatatak na sa'king puso't isipan .

bagyo ng buha'y nanalasa sa iba't ibang paraan
mga kamay na dala'y pag-ibig handog ay sisilungan
sa'king pagtangis yayapusing kay higpi't kay init
di man kadugo'y bisig n'yoy inialay na 'ko'y kumapit.

ihip ng hangin sa disyembre'y sinlamig ng nyebe
sing init ng kape ang pagmamahal na inyong ibinahagi  
sing pait ng  ampalaya ang danas kong pighati
inyong pagkalinga'y sing tamis ng kendi.

ngalan mo'y hindi ko isusulat sa kapirasong espasyo 'to
maluwag 'king isipa't aking puso
doon nananahan ang taong tulad n'yo
kasama ng dalangi't pasasalamat sa'nyo.

December 25, 2021