BEATING HEART

BEATING HEART
"Many a beating heart is silenced by the tyranny of indifference." ~Michael Faudet

THE PUREST PLACE

THE PUREST PLACE
"Retrace your steps and go back to the purest place in your heart… where your hope lives. You’ll find your way again.” ~Everwood (Trust Your Journey)

The Bible says

"a man's life consisteth not in the abundance of things which he possesseth."

24 December 2021

ANGHEL SA LUPA

Ni Frandres Irean


ANGHEL SA LUPA

Wala kang pakpak ngunit ang tulong mo'y lumilipad sa mga mahihirap,
Sa mga nangangailangan bukas palad kang tumatanggap,
Ang habag sa iyong kapwa ay likas mong ipinalalasap,
Anghel ang iyong kapara sa puso mong busilak,

Sa bawat tulong walang hinihintay na kapalit,
Isang nang kagalakan ang ngiting masusungkit,
Sa mga pusong nagdurusa sa hirap at pasakit,
Haplos ay pagmamahal na hindi mabubura at mawawaglit,

Hinahangaan kita ANGHEL DITO SA LUPA,
Kabutihan ng loob ay tinataglay mong sadya,
Ikaw ang LAMPARA sa takipsilim na tinatamasa,
Sakbibi man ay lumbay hatid ay pag-asa ng pag-ibig mo sa kapwa.

By Erica Francis Toquiro
December 25, 2021