WANGIS NG AGILA
Kapara ng agilang lumilipad sa kalawakan,
Tinitingala kita mula dito sa kalawakan,
Tayog ng iyong lipad aking hinahangaan,
Dahil taglay mo pa rin ang magandang kalooban.
Sa pagkamit mo sa tagumpay ay hindi ganun kadali,
Maraming beses na inilugmok ka ng pighati,
Maraming beses na ikaw ay humikbi,
Ngunit nagpatuloy ka nagsikap, nagpunyagi,
Sa bawat balasa ay pagsugal mo sa hamon ng buhay,
Kahit walang katiyakang ang alas ay dadampi sa iyong mga kamay,
Ang mahalaga ika'y lumaban at buong puso iyong ibinigay,
Hanggang sa makamit mo ang hinahangad na tagumpay,
Hinahangaan kita hindi sa kung ano ang iyong yaman,
Hinahangaan kita sa angkin mong katapangan,
Sa pagkampay mo'y hindi ka sumuko bagkus iyong nalampasan,
Ang maitim na ulap na sa'yo ay humadlang.
Piping saksi ang bakyang pananggalang,
Sa matinik na daang iyong nilalakaran,
Paulit-ulit mang nadapa patuloy lang sa paghakbang,
Kumapit ka sa pananampalataya at nagtiwala sa Poong Maylalang.
Ngayo'y nahawi na ang ulap na madilim,
Silahis ng bukang liwayway tila sayo'y naglalambing,
Kaginhawahan ang tinatamasa ligaya ang umaalipin,
Bunga ng mga pagsisikap mo'y kaytamis mong aanihin.
December 9, 2021