BEATING HEART

BEATING HEART
"Many a beating heart is silenced by the tyranny of indifference." ~Michael Faudet

THE PUREST PLACE

THE PUREST PLACE
"Retrace your steps and go back to the purest place in your heart… where your hope lives. You’ll find your way again.” ~Everwood (Trust Your Journey)

The Bible says

"a man's life consisteth not in the abundance of things which he possesseth."

PILIPINO POETRY AND FOLK SONGS






"Hinga"

Kawangis ng buwan 
Nais ko ring matakpan 
Itong nararamdaman 
Kahit alam kong panandalian

Sa mga sandaling ito
Na maaring huminto 
Sa magulong mundo 
At sa pagod na puso

Nawa'y ako'y sakluban
At yakapin sa kanlungan 
Nang walang pag aalinlangan 
At may katahimikan. 

®Stefanie Dancel • 11:57pm | 06.06.23 | Jerusalem City, Israel


Emilio Laxamana Aguinaldo

♥*✿*•♥


"PAKAASAHAN MO"

KUNG SAKALING AKO'Y IYONG LILIMUTIN
'PAGKAT ATUBILI ANG IYONG DAMDAMIN
PAKAASAHAN MONG DI KA PIPIGILIN
HANGGANG DI MO TIYAK ANG AKING LAYUNIN.

ANG PAG-MAMAHAL KONG IN'YUKOL SA IYO
SA BAWAT SANDALI AY IINGATAN KO

MAG-PAHANGGANG WAKAS AY DIMAG-BABAGO
HINDI MAGMAMALIW PAKAASAHAN MO.

KAYA TANDAAN MONG ANG AKING PAG-SUYO

MAG-PAKAILAN PA MAN AY DI MAG-LALAHO
IYONG MADARAMA'T IYONG MATATANTO
HANGGANG SA TUMIGIL ANG PINTIG NG PUSO.

GANYAN ANG KAHAMBING NG AKING PAG-BIG
ANG TULAD AY AGOS NG TUBIG Sa BATIS
SIN LAWAK NG LUPA'T SIN-TAYOG NG LANGIT
DI KAYANG MASUKAT DITO SA DAIGDIG.

KAYA KUNG SA IYO'Y MAYR'ONG MAG-HAHANDOG
NANG KUNWA'Y PAG-IBIG NA TUNAY AT LUBOS
NUON MO LALO NANG IYONG MATATALOS
KUNG SINO ANG SADYANG TAPAT NA UMIROG.

katha ni emilio laxamana aguinaldo
Philippine Copyright 2007
Copies at the National Library,Manila

♥*✿*•♥


"IPAGPATAWAD MO"

ITONG AKING LIHAM PAG IYONG NATANGGAP

BASAHING MABUTI'T INGATAN ANG SULAT
MAY KASAMANG SAMO NA SANA'Y IGAWAD

'PAGKAT SA PUSO KO ITO AY NAGBUHAT.

IPAGPATAWAD MO ANG DI KO PAGBALIK
KAHIT NA MADALAS AKO'Y NASASABIK

'PAGKAT NGAYON LAMANG AKING NAPAGISIP
NA ANG ATING AGWAT AY LUPA AT LANGIT.

NIYAYAPAKAN MO'Y DI KAYANG TUNTUNGAN

NILALAKARAN MO'Y DI KO KAYANG SUNDAN
DI KAYANG HUMARAP SA IYONG LIPUNAN

'PAGKAT AKO'Y DUKHA AT HAMAK NA MANGMANG.

IPAGPATAWAD MO KUNG DI PINAGTAPAT

MULA PA NUNG UNANG TAYO'Y MAGKAUSAP
'
PAGKAT SA MATA MO NUON AY NABAKAS

MAY IBIG SABIHIN ANG 'YONG MGA SULYAP.

MASDAN MO ANG TALA'T BITUIN SA LANGIT
GANOON KATAAS ANG IYONG KAWANGIS

DI KO MAAABOT DI KO MASUSUNGKIT
KUNG HINDI RIN LAMANG AKO'Y MANAGINIP.

IYUKOL NA LAMANG ANG IYONG PAGLINGAP

SA ISANG TULAD MONG MAMAHALING HIYAS
ITURING NA LAMANG NA ISANG PANGARAP
SA YUGTO NG BUHAY AY MINSANG NAGANAP.

IDADALANGIN KONG IKA'Y LUMIGAYA

IPAGPATAWAD MONG KITA'Y PINAASA

HINDI KO HINANGAD NA IKA'Y MAGDUSA

DI KO MALILIMOT MGA ALAALA.

KATHA NI emilio laxamana aguinaldo

Prologue
3 July 2015

I AM QUITE CERTAIN THAT SOME OF YOU WOULD MOST LIKELY AGREE THAT THE POEM YOU ARE ABOUT TO READ CAN HAPPEN IN REAL LIFE. I WAS INSPIRED TO WRITE THIS POEM SIMPLY BECAUSE OF SOME SOAP OPERAS THaT I HAVE VIEWED IN MANY OF OUR PILIPINO MOVIES. ONCE AGAIN THIS POEM IS PURELY A PRODUCT OF MY IMAGINATIVE MIND AND IS IN NO WAY WRTTEN TO DEPICT ANY ONE'. MARAMING SALAMAT PO.

♥*✿*•♥


📝📝📝📝📝📝📝📝



"PILIPINAS"
Sagana sa likas na yaman

Luzon, Visayas at Mindanao

Tinaguriang Perlas ng Silangan
Tinatanaw ng araw ating bayan.

Mga bayaning nakipaglaban

Nakibaka ginamit ang kakayahan
Makamit lang ating kalayaan

Nasan na nga ba ang ating bayan?

PILIPINAS
PILI ang may ari ng lupa
PILI ang may sapat na pagkain sa hapagkainan
PILI ang makapangyarihan/gahaman

PILI ang nagpapasasa sa likas na yaman.

PILI-PINASlang ang ating karapatan
Dumidilim na ang lawak ng kalangitan
Nagbabadya na naman ng kamatayan
Pinapaslang kabataang pagasa ng bayan
Patnubayan nawa ating inang bayang luhaan.

-makatang singkit~
(Flabbergast)

♥*✿*•♥


"ANG BINATA NG DAPIT HAPON AT ANG DALAGA NG BUKANG-LIWAYWAY"

Siya ang binatang tinatanaw sa paglubog
Kadalasang nakakubli sa kidlat at kulog
Ang nagmamasid sa huling halik ng araw

Tagabantay ng padating ng mga bulalakaw

Sa kaniya naatas ang pagbababa ng telon
Ang binata na anak ng dakilang dapit hapon
Guwardiya ng pagsasalit ng araw't buwan
Saksi sa walang hanggang pagmamahalan

Tagapinta ng kahel at lila sa bughaw na kalangitan
Iskultor ng mga ulap, kapag sa oras ay nalipasan
Ngunit lungkot sa mukha ay laging nakasabit
Sapagkat ang salita sa binibini ay di na sasapit

Siya ay puno ng dilim at mga agam-agam
Ang kapareha ay liwanag at kinabukasan
Takot na baka malunod lamang sa lungkot
At mauwing lahat sa isa lang bangungot

Siya ang binibining sa iyo ay bubungad
Laging nakangiti at sa iba ay bukas palad
Dala ay panibagong yugto't mga pangako
Bitbit ay sigla't lakas upang hindi sumuko

Sa kaniya binilin ang pagbukas ng bintana
Ang daan patungo sa itinakdang tadhana
Dalagang anak ng dakilang bukang-liwayway
Ang siyang tagahabi ng ating mga buhay

Tagaguhit ng kapalaran iyong lalakbayin
Tagalimbag ng mga masasayang damdamin
Ngunit bagabag ay bakas sa kaniyang mukha
May iisang tanong sa kaniyang taga-likha

"Ama, bakit siya ang itinalaga sa dilim?"
"At ako ay dito sa napakagandang hardin?"
"Bakit lungkot niya'y di ko kayang hagkan?"
"Bakit ako ang simula at siya ang paalam?"

At sumagot ang sa kaniya ay lumikha"
Bakit mo hinahayaang lahat ay hinuha?"
"Siya ay ginawang dilim upang ikaw ang maging tanglaw"
"Sapagkat ikaw ang bukang-liwayway na kaniyang tinatanaw"

"Itinadha mang mabuhay ng magkataliwas
Maaari mang hindi magkasalubong ang landas
Ito man ay maaaring maging maagang wakas
Pangako sa kabilang dulo ay di kayo kakalas"

Patuloy na hihiling sa mga bituing hihimlay
Na isang araw sa iyo muli akong makasilay
Dumilim man at ako ay paulit-ulit lumubog
Alam kong dadating ang araw na ikaw sa akin ay mahuhulog.

Patuloy na lalakad kahit na sa tirik na araw
Mahanap lamang ang nag-iisang ikaw
Abutin man ng dilim sa aking daraanan
Ay maliit na sakripisyong maituturing para sa pagmamahalan

Dapit hapong kumakain ng kaliwanagan
Bukang-liwayway na nagtataboy ng kadiliman
Ito'y tila ba isang kuwento o kundiman
Ang katapusan ay depende sa'yong nararandaman.

Meishel Mei
0935H
October 2019

♥*✿*•♥


"NG MARIPARONAN KO"

Pupungas pungas sa antok nag iin-in sa umaga
Nag kikiskis sa kulambo ang maagis-is mong paa

Humahagok, nag wawagak yanong paka huyatad,
Ng mariparonan ko, Naulakitan na ni Juan Tamad.

May oras pa, bata pa, kailangang bang magmadali
Saka na lang, pwede bukas, ipagpaliban muna natin

Huwag masyadong apurado, luhay luhay, utay utay
Nag mariparonan ko, nabitin sa oras yaring buhay.

Isputing dito, ulbutan doon, wagas mag paidayaw
Pumapago para sa respeto, bumibili ng pagkatao

Dahil paldo sinasabo ng tao, iniidolo, sinasanto

Ng mariparonan ko, ng ma pobre, mapung-aw, solo-solo.

Kaskaserong espesyalan, sa tinampong daraanan

Sa bilis magmaneho napapa dasal ang pasahero 

Nang biglang may tumawid, kumaripas ng takbo

Ng mariparonan ko, hindi na sya nagririparo.

Isip mo'y simple lamang ang buhay ng isang tao
Subalit mahiwaga, hindi mahagip at mapagtanto
Hindi makabubuti lahat ng kalabisan at kakulangan
Hiwaga ay maririparonan magtiwala lamang sa Maykapal.

Ni Clarisa Guinto Romanca
(Kathang isip ng isang puyat sa kakatulog)

♥*✿*•♥


‪SAMPAGUITA‬
‪[Tagalog Version]‬

‪Mabangong Bulaklak ng lahi‬
‪Sampaguita sakdal ng yumi‬
‪Kung ikaw ay kwintas na yari‬
‪Nagniningning ka sa uri‬

‪Sa leeg ng isang dalaga‬
‪Hiyas sakdal pinipinta‬
‪Ganda mo’y may taglay na gayuma‬
‪Bango mo'y may dulot na ligaya‬

‪Chorus:‬

‪Mapalad ka pagkat sa hardin ng puso‬
‪Ikaw ay bulaklak na pinipintuho‬
‪At sa bayan diwa kang pumapatnubay‬
‪Kaya habang buhay ka ang bayan ay di mamamatay.
‪Nagniningning ka sa uri‬

‪Sa leeg ng isang dalaga‬
‪Hiyas sakdal pinipinta‬
‪Ganda mo’y may taglay na gayuma‬
‪Bango mo'y may dulot na ligaya‬

‪Chorus:‬

‪Mapalad ka pagkat sa hardin ng puso‬
‪Ikaw ay bulaklak na pinipintuho‬
‪At sa bayan diwa kang pumapatnubay‬
‪Kaya habang buhay ka ang bayan ay di mamamatay.‬

Copy sent by Maria Socorro Modequillo Bodiongan